CBCP muling umapela ng tulong para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao
Muling nanawagan ng tulong ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Ito ay matapos yumanig muli ang isang magnitude 6.5 na lindol sa central at eastern Mindanao alas-9:15 Huwebes ng umaga.
Sa isang pahayag, sinabi ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles na dapat ipakita sa panahong ito ang pagkakawanggawa at pagkakaisa.
“Please, again, let us show our spirit of charity and solidarity. As soon as we get more data and information, it is possible that we will issue another appeal for help,” ani Valles.
Kasabay nito, ipinanawagan din ng arsobispo sa publiko na patuloy na ipanalangin ang mga biktima lalo na ang mga nawalan ng mahal sa buhay.
Mas lumaki ang pinsala sa Mindanao matapos ang pagyanig kahapon.
Kabilang sa mga nagtamo ng sira ay ang mga simbahan sa Diocese of Kidapawan partikular ang mga parokya ng Makilala at Magpet.
Bumuo na ang diyosesis ng emergency quick response team at nagsagawa ng relief efforts para sa mga apektadong residente.
Maaaring magbigay ng donasyon sa social service and development ministry ng Simbahang Katolika na Caritas Manila na matatagpuan sa 2002 Jesus St., Pandacan, Manila.
Narito ang bank accounts ng Caritas:
– Banco De Oro – Account No.: 5600-45905
– Bank of the Philippine Islands – Account No.: 3063-5357-01
– Metrobank – Account No.: 175-3-17506954-3
– Bank of the Philippine Islands – Dollar Account No. 3064-0033-55
– Swift Code – BOPIPHMM
– Philippine National Bank – Dollar Account No. 10-856-660002-5
– Swift Code – PNBMPHMM
Maaari rin magbigay ng donasyon sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.