Duterte: Dasal pinakamagandang gawin sa gitna ng lindol

By Rhommel Balasbas November 01, 2019 - 04:42 AM

Pagdarasal ang pinakamagandang gawin sa gitna ng lindol ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam sa Roman Catholic Public Cemetery sa Davao City araw ng Huwebes, sinabi ng pangulo na wala namang makapipigil para mangyari ang lindol o makakahula kung kailan ito magaganap.

Pinakamaganda anyang gawin ay magdasal na lang tulad ng sinabi niya sa kanyang security aides nang yumanig ang magnitude 6.5 na lindol Huwebesng umaga.

“Well, one is that nobody but nobody can prevent an earthquake to happen. There’s no… there’s no accurate prediction diyan. Walang ano diyan whether it would come or not… Magdasal ka na lag, buti pa,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, natutulog siya nang maganap ang lindol.

Kinumpirma rin ng pangulo na nagkaroon ng mga bitak sa pader at kisame ng kanyang bahay at sasailalim ito sainspeksyon ngayong Biyernes.

“There are cracks as early as about three earthquakes ago. Every time it happens, may bagong crack. Pero crack lang naman. Makita mo ng ano linya But anyway, sabi ng PSG they are insisting that it will be inspected. Maybe tomorrow,” ayon sa pangulo.

Pinayuhan ng presidente ang publiko na umiwas sa pagpunta sa mga buildings at istruktura na may mga bitak at tingnan nang mabuti ang kondisyon ng mga ito.

“Ang akin for those who are staying in buildings, structures that are not fit for human habitation, tingnan nilang mabuti. If there are so many cracks and the cracks are really big… (it is) an indication that it is already really an old structure or a structure which was built not in accordance with law. Kaya na-ano ito, madi-disgrasya,” ayon sa pangulo.

Una nang inatasan ni Duterte ang lahat ng kaukulang ahensya ng gobyerno na magbigay ng tulong sa mga biktima ng lindol.

 

TAGS: dasal, lindol, PSG, Rodrigo Duterte, dasal, lindol, PSG, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.