Annabelle Rama kay Gretchen Barretto: “Manahimik ka na, ‘day”

Matapos madawit ang anak na si Ruffa Gutierrez sa away ng magkakapatid na Barretto, may payo si Annabelle Rama kay Gretchen.

Ayon kay Rama, hindi tama ang ginawa ni Gretchen na ungkatin ang dating iskandalo na kinasangkutan ng anak na si Ruffa.

Matapos kasing purihin ni Ruffa ang litrato ni Julia Barretto ay inilutang ni Gretchen ang best actress award ni Ruffa sa isang film festival noong 1994 na nabalot ng duda at kontrobersya.

Sinabi ni Rama na hindi na niya palalakihin ang isyu pero pinagsabihan nito si Gretchen na huwag nang muling atakehin ang kanyang pamilya.

Pinayuhan ni Rama si Gretchen na manahimik na ito at i-enjoy na lamang ang kanyang yaman.

Mahalaga anya ang peace kaya hindi na umano sila dapat mag away-away.

 

Read more...