Sen. Bong Go pinangunahan ang simula ng SEA Games torch run

By Len Montaño November 01, 2019 - 04:28 AM

Pinangunahan ni Senator Bong Go, Senate Sports Committee chairman, ang simula ng pag-iilaw ng sulo bilang hudyat ng simula ng torch run para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Iginiit ni Go ang suporta ng gobyerno sa mga Filipinong atleta para lumaki ang kanilang tsansa na makasungkit ng gintong medalya.

Ang suporta anya ng pamahalaan ay bilang pagkilala sa hirap ng mga atletang Pinoy ay parangal na bigay nila sa bansa pamamagitan ng sports.

“Ang gobyerno natin ay full support po sa ating mga atleta. One team tayo! We win as one! Go for the gold (The government fully supports our athletes),” pahayag ng senador.

Kumpyansa si Go na makakakuha ang mga Filipino athletes ng gold medal sa SEA Games at umaasa ito na mag-qualify naman sila sa Tokyo Olympics.

Dagdag ni Go, bukod sa pagkakaisa ng mga Pinoy para suportahan ang national team, ang SEA games torch ang patunay ng pagsasanib ng mga bansa sa rehiyon parikular sa larangan ng palakasan.

TAGS: atleta, gold medal, sea games, senator bong go, Tokyo Olympics, torch run, atleta, gold medal, sea games, senator bong go, Tokyo Olympics, torch run

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.