Daan-daang mga manggagawa stranded sa pagguho sa Mt. Apo Geothermal Plant
Stranded ang daan-daang mga manggagawa matapos ang landslide sa Mt. Apo Geothermal Plant kasunod ng magnitude 6.5 na lindol sa lugar.
Sinabi ng tagapagsalita ng Office of Civil Defense-Soccsksargen na si Jorie Mae Balmediano na wala namang nasugatan pero nakaharang ang mga bato sa Sitio Tayaban sa Barangau Illomavis, Kidapawan City kaya walang makadaan.
Ligtas naman ang mga manggagawa at sisimulan na ngayong umaga ang clearing operations.
Ang naharangang kalsada ay papuntang Energy Development Corporation (EDC).
Nabatid na naapektuhan ng lindol ang dalawang power plants sa Mt. Apo.
Prayoridad ngayon ng otoridad na mailigtas ang mga na-trap na empleyado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.