P5.3M halaga ng cocaine nasabat sa Zamboanga City
Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Region 9 at Zamboanga City Police ang isang kilo ng hinihinalang cocaine sa buy-bust operation sa Calle San Jose sa lungsod, Huwebes ng hapon.
Ayon kay PDEA Director II Edgar T. Jubay, ikinasa ang operasyon laban sa suspek na si Timhar Jumala Alih.
Nearesto si Alih, ngunit nakatakas ang isa nitong kasabwat.
Paniwala ng PDEA, miyembro ang mga suspek ng isang sindikato.
Ang cocaine na nakuha mula kay Alih ay nakabalot sa transparent plastic pack at tinatayang nagkakahalaga ito ng P5,300,000.
Iginiit ng suspek napag-utusan lamang siyang dalhin ang droga sa lugar kapalit ng P100,000.
Wala umano siyang alam sa laman ng bag na dala.
Narekober din sa operasyon ang P800,000 buy-bust money.
Sasampahan ngayon ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.