Halos 1k prohibited items nakumpiska sa Manila North Cemetery

By Rhommel Balasbas November 01, 2019 - 02:12 AM

Christia Marie Ramos | INQUIRER.net

Aabot sa halos 1,000 ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska sa mga bumisita sa Manila North Cemetery araw ng Huwebes.

Ayon sa pulisya, 977 prohibited items ang kanilang nasamsam hanggang alas-5:00 ng hapon.

Sa 977, nasa 700 ay flammable items tulad ng lighters, posporo, rubbing alcohol, pabango at iba pa.

Aabot din sa 245 pakete ng sigarilyo ang nakumpiska ng mga pulis.

Nakakuha rin ng 28 bladed weapons, dalawang gardening tools, bote ng alak at isang set ng playing cards.

Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad na bawal ang pagdadala ng mga sumusunod na bagay sa Manila North Cemetery.

– Matatalim na bagay

– Sigarilyo at lighter

– E-cigarette o vape

– Flammable materials

– Firearms

– Iligal na droga

– Drones

– Mga gamit pansugal

– Pabango, alcohol

– Malakas na sound system

– Mga alaga (pets) o kahit anong uri ng hayop

 

TAGS: flammable materials, Manila North Cemetery, prohibited items, Undas, flammable materials, Manila North Cemetery, prohibited items, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.