19 patay, 22 sugatan matapos mahulog ang trak sa bangin sa Apayao

By Len Montaño November 01, 2019 - 02:04 AM

Mylz Ginez photo

Patay ang 19 katao matapos mahulog ang Elf truck sa bangin sa Conner, Apayao Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Beverly, Jason, Brenda at Imelda na pawang Talay ang apelyido: Mamerto at Susan Milo; Amparo Aberion; Domingo Asperela; Pacita Dajucon; Mercy Gundan; Leticia Patay; Conrado Subatan; Claro Mamauag; Rose at Ludalina Molina; Fermelina Dacuycuy; Rudy Pagtama; Reymundo Sosa at Margie Agustin-Pamittan.

Nasa 22 na pasahero naman ng trak ang nasugatan sa insidente.

Ayon sa pulisya, pauwi na ang mga biktima galing sa Kalinga province matapos tumanggap ng cash at seeds assistance mula sa gobyerno.

Sa pahayag ni Mylz Ginez ng Department of Public Works ang Highways (DPWH), nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver matapos pumalya ang preno ng trak, dahilan ng pagbagsak ng sasakyan sa bangin.

Iniimbestigahan na ang insidente matapos na ma-retrieve ang mga bangkay.

 

TAGS: 19 patay, 22 sugatan, Apayao, bangin, Conner, DPWH, elf truck, 19 patay, 22 sugatan, Apayao, bangin, Conner, DPWH, elf truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.