Phivolcs nanawagan sa publiko na huwag magkalat ng fake news ukol sa lindol

By Len Montaño November 01, 2019 - 01:43 AM

Umapela ang Phivolcs sa publiko na huwag magpakalat ng pekeng balita at impormasyon ukol sa lindol.

Sinabihan ng ahensya ang mga mamamayan na huwag maniwala at magbahagi ng mga balita sa social media na mula sa hindi kumpirmado at hindi maaasahang source.

Pahayag ito ng Phivolcs matapos kumalat ang FB post ukol sa umanoy posibleng pagtama ng magnitude 8 na lindol sa ilang lugar sa Mindanao kasunod ng malakas na lindol sa rehiyon.

Itinuring na fake news ang naturang post na ang umanoy source ay regional director.

Ayon sa Phivolcs, para sa lindol update ay dapat na i-follow lamang ang kanilang opisyal na Facebook page at Twitter gayundin ang website nilang www.phivolcs.dost.gov.ph.

 

TAGS: fake news, huwag magkalat, lindol, magnitude 8, Mindanao, nanawagan, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, social media, fake news, huwag magkalat, lindol, magnitude 8, Mindanao, nanawagan, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.