Isang NGCP substation bahagyang napinsala ng lindol ayon sa DOE

By Noel Talacay November 01, 2019 - 01:24 AM

Bahagyang napinsala ang substation ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nakatayo sa Kidapawan City matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Tulunan, North Cotabato.

Ito ay base sa paunang ulat sa ginagawang imbestigasyon ng Department of Energy (DOE) sa pamamagitan ng Task Force Energy Resiliency (TFER).

Ayon kay DOE Secretary Alfonso Cusi, nagkaroon na ng technical adjustments at pansamantalang inilipat muna ang supply ng kuryente sa Tacurong Substation upang maibalik agad ang kuryente sa nasabing lugar.

Maliban dito, wala ng iba pang napinsalang transmission facilities or high-voltage equipment ng NGCP sa mga lugar kung saang naramdaman ang malakas na paglindol.

Tiniyak naman niya na nananatiling maayos ang supplay ng kuryente sa Mindanao.

 

 

 

TAGS: DOE, Kuryente, lindol, Mindanao, ngcp, substation, DOE, Kuryente, lindol, Mindanao, ngcp, substation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.