Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa Davao del Sur, Huwebes ng gabi.
Batay sa impormasyon ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 26 kilometers Northwest ng Davao City bandang 6:41 ng gabi.
May lalim ang lindol na 3 kilometers at tectonic ang dahilan.
Dahil dito, naitala ang Intensity III sa Davao City habang instrumental intensity 1 naman sa Malungon, Sarangani.
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.