LOOK: Duterte bumisita sa puntod ng mga magulang

By Len Montaño October 31, 2019 - 10:42 PM

Sen. Bong Go photo

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang mga magulang sa Davao City araw ng Huwebes, bisperas ng Undas.

Dumating ang pangulo sa puntod ng mga magulang nito na sina Governor Vicente at inang si Soledad sa Roman Catholic Cemetery dakong 6:38 ng gabi.

Bumisita na ang pangulo ngayong araw dahil bukas Biyernes, November 1 ay pupunta ito sa Thailand para sa 35th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit.

Sa litrato na inibinahagi ni Senator Bong Go ay makikita ang pangulo na nakaupo sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang.

 

TAGS: 35th Asean Summit, bumisita, Davao City, Magulang, Pangulong Rodrigo Duterte, puntod, Undas, 35th Asean Summit, bumisita, Davao City, Magulang, Pangulong Rodrigo Duterte, puntod, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.