Tanggapan ng Bayan Muna, Gabriela sinalakay ng PNP, AFP
Kinondena ng mga grupong Bayan Muna, Gabriela at National Federation of Sugar Workers (NFSW) ang pag-atake sa kanilang tanggapan sa Bacolod, Negros Occidental Huwebes ng gabi.
Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, ang pagsalakay ay ginawa umano ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ay kaugnay ng anyay maling akusasyon laban sa 57 katao kabilang ang sampung menor de edad.
“Bayan Muna strongly condemns the dastardly Gestapo-like raid still being simultaneously conducted by state forces against the offices of Bayan Muna, Gabriela and NFSW in Bacolod, Negros Occidental,” pahayag ng mambabatas.
Inakusahan anya ng pulisya at militar ang kanilang mga miyembro na sumasailalim sa pagsasanay sa paggamit ng mga armas at pampasabog.
“[The] Army also claims firearms and explosives seized. Unknown number also nabbed at NFSW office,” ani Zarate.
Dagdag ng kongresista, ang ginawa ng militar at pulisya ay harassment sa mga militante na bumabatikos sa mga polisya ng administrasyong Duterte.
Puna ni Zarate, ginawa ang pag-atake kung kailan sarado na ang mga korte kaya wala ng paraan ang mga naaresto na ireklamo ang ginawa sa kanila.
“They conducted the raid at night before a long weekend so as to ensure that the courts are closed tomorrow so that the planted pieces evidence and subsequent trumped-up charges filed cannot immediately be challenged,” dagdag ni Zarate.
Giit nito, ang pagsangkot ng pamahalaan sa mga militanet na kasapi ng New People’s Army (NPA) ay ganti sa kanilang batikos sa drug war at tax reform laws kung saan mga mahihirap ang apektado.
Ang pagsalakay ng tropa ng gobyerno ay base sa searach warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 89 na nagsabing may sapat na batayan sa reklamo na nagtatago ang mga grupo ng mga baril at pampasabog sa kanilang tanggapan sa Bacolod.
Ayon sa korte, paglabag ito sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.