Mga Pinoy sa Hong Kong pinag-iingat sa protestang isasagawa sa Sabado, Nov 2

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2019 - 05:38 PM

Pinayuhan ng konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong kaugnay ng ikakasang kilos protesta doon sa Sabado (Nov. 2)

Ayon sa abiso ng konsulada, may magaganap na protesta sa Victoria Park, Causeway Bay.

Nakakasaad sa abiso na dapat maging alerto ang lahat lalo na sa mga biglaang demonstrasyon.

Pinayuhan ang mga Pinoy na iwasan ang mga lugar na pagdarausan ng protesta at kung walang mahalanag lakad ay manatili na lang sa kanilang mga bahay.

Iwasan din ang pagsusuuot ng kulay itim o puti na damit pang-itaas.

Kung may katanungan ay maaring tumawag sa hotline ng konsulada na (+852) 9155-4023.

TAGS: Causeway Bay, Hong Kong, hotline ng konsulada na (+852) 9155-4023., kilos-protesta, konsulada ng Pilipinas, Victoria Park, Causeway Bay, Hong Kong, hotline ng konsulada na (+852) 9155-4023., kilos-protesta, konsulada ng Pilipinas, Victoria Park

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.