Mga pantalan sa Mindanao region hindi naapektuhan ng 6.5 magnitude na lindol

Walang naitalang sira sa mga pantalan sa Mindanao region matapos ang 6.5 magnitude na lindol sa Tulunan, Cotabato.

Sa inilabas na pahayag, tiniyak ni Philippine Ports Authority (PPA) general manager Jay Santiago na walang naapektuhang pasilidad ng mga pantalan matapos ang pagyanig.

Wala rin aniyang napaulat na nasawi o nasugatan sa kanilang mga tauhan.

Gayunman, patuloy pa rin aniya ang isinasagawang inspeksyon at assessment sa mga apektadong pasilidad sa rehiyon.

Read more...