Malalakas na aftershocks patuloy na naitatala matapos ang magnitude 6.5 na lindol sa Mindanao

By Angellic Jordan October 31, 2019 - 04:39 PM

Patuloy na nararamdaman ang kaliwa’t kanang pagyanig sa Mindanao region.

Ito ay matapos tumama ang panibagong magnitude 6.5 na lindol sa Tulunan, North Cotabato kaninang alas-9:11 ng umaga ng Huwebes (October 31).

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang magnitude 4.2 na lindol sa layong 23 kilometers sa Tulunan bandang ala-1:59 ng hapon.

May lalim na 25 kilometers ang pagyanig at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Koronadal City; Tupi, South Cotabato at; Malungon, Sarangani.

Babala ng Phivolcs, manatiling alerto sa mga inaasahan pang pagyanig sa rehiyon.

TAGS: aftershocks, magnitude 4.2 na lindol, magnitude 6.5 na lindol sa Tulunan North Cotabato, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, aftershocks, magnitude 4.2 na lindol, magnitude 6.5 na lindol sa Tulunan North Cotabato, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.