Surigao del Norte, niyanig ng 5.5 magnitude na lindol
Naramdaman sa bayan ng General Luna sa Surigao del Norte ang 5.5 magnitude na lindol, alas-9:14 ng gabi, araw ng Huwebes.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lokasyon ng lindol ay sa 37 kilometers southeast ng General Luna at may lalim itong 11 kilometers.
Tectonic ang sinasabing pinagmulan ng pagyanig ng lupa.
Naitala ang Intensity 4 sa Carrascal, Surigao del Sur.
Intensity 3 naman sa Butuan City at Tandag City.
Intensity 2 naman ang naramdaman sa Bislig City, Gingoog City at Palo, Leyte, habang Intensity 1 naman sa Cagayan de Oro City.
Wala namang naitalang pinsala o nasaktan sa nasabing insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.