Mga nahuhulihan ng baril, 80 na

By Ruel Perez January 15, 2016 - 04:10 AM

 

Inquirer file photo

Umakyat na sa 80 ang bilang ng mga nahuhulihan ng baril at iba pang uri ng armas sa unang apat na araw na pagpapatupad ng gun ban ng Comelec.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, 74 sa mga ito ay mga civilian, 1 ay pulis, samantalang ang dalawa ay mula sa ibang mga law enforcement agencies at 2 security guards.

Mayroon na ring kabuuang 4,626 na check point operasyon na inilunsad ng PNP simula ng election period

Nakakumpiska rin sa nasabing operasyon ng 60 firearms kabilang dito ang 258 na mga deadly weapons, 253 na bala at 2 granada 1 pampasabog at 2 gun replica.

Patuloy ang panawagan ng mga otoridad sa publiko na iwasang magdala ng mga baril ngayong ipinaiiral ang gun ban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.