LOOK: Marcos Bridge sa Marikina bukas na muli sa mga motorista
Matapos ang limang buwan rehabilitasyon, bukas na muli sa mga motorista ang Marcos Bridge sa Marikina City.
Pinangunahan ni Department of Public Works and Highways (DPWH),
Secretary Mark Villar ang pagbubukas ng Marcos Bridge umaga ng Huwebes, October 31, 2019.
Sa ngayon, madaraanan na muli ng mga motorista ang eastbound at westbound lane ng tulay matapos sumailalim sa repair para mas gawin itong mas matibay.
Pinabilis ang pagsasaayos ng tulay dahil nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic ang pagsasara nito.
Ginastusan ng P213.46 million ang proyekto kinapalooban ng redecking ng slab, pagpapatibay sa girders, pagpapalit ng expansion joints, pagsasayos ng sidewalks, railing at drain pipes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.