Pangulong Duterte ligtas matapos ang lindol sa Davao City; bahay ng pangulo nakitaan ng bitak
Tiniyak ng Malakanyang na nasa maayos na kalagayan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang lindol sa Davao City.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa bahay ang pangulo sa Davao ng mangyari ang lindol.
Pero wala aniyang dapat na ikabahala ang publiko dahil ligtas naman ang pangulo maging ang kanyang pamilya.
Nagkaroon naman ng bitak ang pader sa bahay ng pangulo.
Ayon kay panelo na tuloy pa rin ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa puntod ng kaniyang mga magulang ngayong araw sa Davao.
Sa mga larawang ibinahagi ni Senator Bong Go matapos ang malakas na pagyanig ay dalawang bitak ang nakita sa kwarto ng pangulo.
Samantala, tulad ng nauna nang direktiba ng pangulo, pinakikilos na nito ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno para sa agarang tulong sa mga naapektuhan ng pagyanig.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na naghihintay ng update ang pangulo mula sa mga kinauukulan hinggil sa panibagong lindol na naramdaman sa Cotabato area at Davao City.
Sinabi naman ni Senator Go na agad niyang niyang tinawagan kanina si Ppangulong Duterte nang lumindol.
Nasa toilet aniya ang pangulo nang maramdaman ang pagyanig, at OK naman ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.