3 pulis arestado sa buy bust sa Parang, Maguindanao

By Jimmy Tamayo October 31, 2019 - 11:59 AM

Tatlong pulis ang kasama sa mga naaresto sa isang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Parang, Maguindanao.

Kinilala ang mga nadakip na sina Patrolman Sandiali Mangundacan Manalao, S/Sgt. Fahmi Bangon Como, at M/Sgt. Monjel Nassal Aradais na pawang nakatalaga sa Lanao del Sur.

Ang operasyon ay ginawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region at Police Regional Office-Bangsamoro Region sa Barangay Nituan.

Naaktuhan ang mga pulis na nakikipagtransaksyon ng droga sa isang undercover agent na nagpanggap na bibili ng shabu.

Nakuha sa sasakyan ng mga pulis ang ilang baril, plaka ng sasakyan, ilang police ID at police uniform.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, maguindanao, parang, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, buy bust, maguindanao, parang, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.