Walang banta ng tsunami matapos ang M6.5 na lindol sa Mindanao – Phivolcs

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2019 - 11:33 AM

Pinawi ng Phivolcs ang banta ng tsunami matapos ang pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa Mindanao.

Ayon sa Phivolcs hindi magdudulot ng tsunami ang malakas na lindol dahil sa kalupaan ito tumama.

Matapos ang 6.5 magnitude na lindol na tumama sa Tulunan, Cotabato alas 9:11 ng umaga ay magkakasunod na mahihinang aftershocks pa ang naramdaman sa Mindanao.

Ayon sa Phivolcs, magpapatuloy pa ang aftershocks kaya pinapayuhan ang publiko na manatili muna sa ligtas na lugar.

Pinaiiwas din ang mga residente sa mga pasilidad na labis na napinsala matapos ang tatlong magkakasunod na malakas na lindol sa Mindanao.

TAGS: magnitude 6.5 quake, Mindanao Quake, no tsunami warning, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Tagalog breaking news, tagalog news website, tsunami, magnitude 6.5 quake, Mindanao Quake, no tsunami warning, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Tagalog breaking news, tagalog news website, tsunami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.