Kapitan ng barangay sa Makilala, North Cotabato patay matapos gumuho ang barangay hall

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2019 - 11:20 AM

Patay ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Makilala sa North Cotabato matapos mabagsakan ng debris kasunod ng malakas na 6.5 magnitude na lindol sa Mindanao.

Nasa loob ng barangay hall si Kapitan Benjie Bangot ng Barangay Batasan nang gumuho ang naturang pasilidad.

Nadaganan si Bangot ng malalaking tipak ng bato na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.

Maraming kalsada din sa Makilala ang nakitaan ng malalaking bitak matapos ang panibagong malakas na pagyanig.

Gumuho din ang isang gymnasium sa bayan ng Makilala.

TAGS: magnitude 6.5, Makilala Cotabato, midnanao quake, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Tagalog breaking news, tagalog news website, magnitude 6.5, Makilala Cotabato, midnanao quake, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.