Number coding suspendido na mula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw, Oct. 31

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2019 - 11:01 AM

Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding sa mga lahat ng uri ng sasakyan mula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw ng Huwebes, Oct. 31.

Inanunsyo ito ng MMDA para mabigyang pagkakataon ang mga motorista na makabiyahe lalo na ang mga uuwi pa sa mga lalawigan.

Ayon sa MMDA sakop na ng suspensyon ang lahat ng pribado at mga pampublikong sasakyan.

Una rito sinabi ng MMDA na provincial buses lamang ang sakop ng suspensyon ng coding ngayong araw.

Samantala, bukas Nov. 1 ay mananatiling suspendido maghapon ang number coding sa lahat ng uri ng mga sasakyan.

TAGS: mmda, number coding, october 31 coding, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, undas 2019, mmda, number coding, october 31 coding, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, undas 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.