Klase sa Davao City ngayong araw suspendido na dahil sa panibagong malakas na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2019 - 10:47 AM

Sinuspinde ang klase sa Davao City matapos tumama ang panibagong magnitude 6.5 na lindol sa Mindanao.

Sa inilabas na proclamation order number 10 ni Davao City Mayor Sara Duterte sinuspinde ang klase ngayong araw sa lahat ng antas public at private sa lungsod.

Suspendido na rin ang pasok sa trabaho sa government offices at hinihimok ang pribadong sektor na magsuspinde na rin ng trabaho.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng lahat lalo at malakas ang naramdamang pagyanig ngayong umaga.

Ayon kay Duterte, lahat ng mga gusali sa lungsod na mayroong structural damages ay dapat agad bakantihin at ideklara nang condemned.

TAGS: Davao City, Mindanao Quake, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Davao City, Mindanao Quake, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.