Justine Bieber maglalabas ng Christmas album pero may kundisyon

By Jimmy Tamayo October 31, 2019 - 10:21 AM

Posibleng magbalik sa music scene ang singer na si Justin Bieber.

Ito’y base sa paandar niya sa kanyang Instagram.

Sa post ng singer sa kanyang IG account nagbahagi siya ng isang text picture na nagsasabing maglalabas siya ng bagong Christmas album kung makakakuha ng 20 million likes.

Nilagyan din niya ito ng caption na, “Share it, like it, post it in your story, I gotta see the demand, Love you guys pumped for it. I’m almost done, but your support will make me move faster,”

Pinakahuling album n Bieber ay ang “Purpose” noong 2015 kung saan galing ang ilan sa sikat na kanya niya gaya ng “Sorry” at “Love Yourself.”

Naglabas rin siya ng kauna-unahang Christmas album noong 2011 kasama ang revival ng “All I Want for Christmas” ni Mariah Carey at ang kantang “Under the Mistletoe.”

December 2013 nang magpasyang magpahinga si Bieber sa kanyang career at gawing prayoridad ang pamilya.

Kamakailan ay naging laman siya ng mga balita nang muling pakasalan ang misis na si Hailey Baldwin.

TAGS: Christmas Album, Instagram, justin bieber, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Christmas Album, Instagram, justin bieber, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.