Nagsimula ang sunog ala 1:45 ng madaling ng Huwebes, Oct. 31 sa Sitio Ipil-Ipil.
Tinatayang aabot sa 30 pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog na nag-umpisa sa bahay ng isang Junmark Gonzaga.
Ayon kay Senior Fire Officer 2 Hermes Molina, inaalam pa nila ngayon kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Nagawa namang mailigtas ng mga bumbero ang tatlong bata at isang pang may edad na na-trap sa loob ng kanilang bahay sa kasagsagan ng sunog.
Sa pagtaya ay aabot sa P139,000 ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.
Alas 3:39 ng umaga ay kontralado na ang sunog na umabot ng 3rd alarm.
MOST READ
LATEST STORIES