Tinupok ng apoy ang aabot sa 25 mga bahay sa sunog na nanganap sa Barangay Alaska Mambaling, Cebu City.
Nagsimula ang sunog ala 1:45 ng madaling ng Huwebes, Oct. 31 sa Sitio Ipil-Ipil.
Tinatayang aabot sa 30 pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog na nag-umpisa sa bahay ng isang Junmark Gonzaga.
Ayon kay Senior Fire Officer 2 Hermes Molina, inaalam pa nila ngayon kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Nagawa namang mailigtas ng mga bumbero ang tatlong bata at isang pang may edad na na-trap sa loob ng kanilang bahay sa kasagsagan ng sunog.
Sa pagtaya ay aabot sa P139,000 ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.
Alas 3:39 ng umaga ay kontralado na ang sunog na umabot ng 3rd alarm.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.