Mahigit 46,000 na pasahero bumiyahe sa mga pantalan sa bansa sa nakalipas na 6 na oras
Mahigit 46,000 na mga pasahero ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan sa bansa sa nakalipas na 6 na oras.
Ayon sa monitoring ng Coast Guard mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, Oct. 31 ay 46,855 ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan.
Pinakamaraming bumiyahe sa Central Visayas na umabot sa 8,938 sa mga pantalan sa Cebu, Bohol, Southern Cebu, at Camotes.
Sinundan ng Southern Tagalog na nakapagtala ng 8,892 kabilang ang mga pantalan sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon, at Northern Quezon.
Sa Northern Mindanao naman ay umabot sa 7,760 ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan sa Surigao del Norte, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Agusan del Norte, Zamboanga del Norte, Misamis Oriental, at Camiguin.
Sa Western Visayas umabot sa 7,686 ang bumiyaheng pasahero sa mga pantalan sa Antique, Aklan, Iloilo at Guimaras.
Marami na ring bumiyahe sa Eastern Mindanao, Southern Visayas, South Western Mindanao, NCR, Bicol at sa Eastern Visayas.
Magpapatuloy ang monitoring ng coast guard sa mga bumibiyaheng pasahero sa ilalim ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.