WATCH: NCRPO chief Sinas nag-inspeksyon sa Manila North Cemetery

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2019 - 07:49 AM

Nag-inspeksyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) Brigadier General Dibold Sinas sa Manila North Cemetery ngayong umaga ng Huwebes, Oct. 31.

Ayon kay Sinas, kabuuang 540 na mga pulis ang magpapalitan ng duty sa Manila North Cemetery para magtiyak ng seguridad.

Mayroon ding dalawang K9 units na nag-iikot sa Manila North Cemetery at mayroon pang intelligence personnel na makikihalubilo sa publiko.

Ayon kay Sinas, sa November 1 at 2 kung saan inaasahan ang dagsa ng publiko sa mga sementeryo ay mahigit 4,400 na mga pulis ang ipakakalat sa buong Metro Manila.

Wala namang namomonitor na banta ang NCRPO saanmang bahagi ng Metro Manila ngayong paggunita ng Undas.

Inaasahan naman ng Manila Police District (MPD) na mas marami ang dadagsa Manila North Cemetery ngayong Undas 2019 kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Bernabe Balba, noong nakaraang taon, umabot sa 1.6 million na katao ang bumisita sa Manila North Cemetery.

At dahil natapat ngayon ng weekend ang paggunita sa Undas ay inaasahang tataas pa ang bilang.

TAGS: Manila North Cemetery, NCRPO, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, undas 2019, Manila North Cemetery, NCRPO, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, undas 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.