Video ng pagsalakay sa compound ni ISIS leader Abu Bakr al-Baghdadi inilabas ng Pentagon
Inilabas ng Pentagon ang video at mga larawan ng ginawang pagsalakay sa isang compound na ikinasawi ni ISIS leader Abu Bakr al-Baghdadi.
Ang video ay kuha gamit ang overhead drone kung saan makikita ang mga commando na papalapit sa compound ni Baghdadi at ang pagsasagawa ng air strike ng US F-15 fighter jets at MQ-9 Reaper Drones.
Ayon kay US Central Command commander, Gen. Frank McKenzie, anim ang nasawi sa pagsalakay si Baghdadi, apat na babae at isa pang lalaki.
Sinabi ni McKenzie na pinasabog ni Baghdadi ang kaniyang sarili na ikinasawi din ng dalawang bata na kaniyang hawak noon.
Umabot naman sa 11 bata ang nailigtas sa nasabing pagsalakay.
Ayon kay McKenzie, sa isinagawa nilang DNA test para makumpirma ang pagkakakilanlan ni Baghdadi ay ginamit ang samples mula sa kaniya na dati nang kinulekta noong nakulong sya sa Camp Bucca sa Iraq.
Pagkatapos ng anunsyo at paglalabas ng Pentagon sa video, ay binigyan ni US Pres. Donald Trump ng Medal of Honor si Army Master Sgt. Matthew Williams.
Pinasalamatan din nito si Secretary of Defense Mark Esper sa ginawang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.