Makasaysayang castle sa Japan na kabilang sa World Heritage site nasunog
By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2019 - 06:35 AM
Tinupok ng apoy ang makasaysayang Okinawa castle na kabilang sa listahan ng World Heritage site.
Nagsimula ang sunog alas 2:40 ng madaling araw ng Huwebes, (Oct. 321) sa Shuri Castle sa Naha.
Agad rumesponde ang mahigit 10 fire engines para magtulung-tulong na apulahin ang apoy.
Wala namang nasaktan sa sunog at inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Ang makasaysayang castle ay major tourist spot sa southwestern Japan prefecture.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.