Re-routing sa mga kalsada malapit sa sementeryo epektibo na
Nagsimula na ang re-routing sa mga kalsada sa palibot ng Manila South Cemetery sa Makati City.
Simula alas 12:01 ng madaling araw kanina (Oct. 31), sarado na sa mga motorista ang mga sumusunod na kalsada:
• South Avenue mula Metropolitan Avenue hanggang J.P. Rizal Street
• Kalayaan Avenue mula Zapote Street hanggang N. Garcia Street
• at ang Vito Cruz Avenue Extension mula Zapote Street hanggang South Avenue
Nagpatupad na ng two-way Traffic sa:
• J.P. Rizal Avenue mula Makati Avenue hanggan Pasong Tirad Street at pabalik
• Zapote Avenue mula J.P. Rizal Avenue hanggan Metropolitan Avenue at pabalik
One-way Traffic naman ang umiiral ngayon sa
• Metropolitan Avenue mula South Avenue hanggang sa Jupiter Street.
Tatagal ang naturang traffic scheme hanggangs a November 2.
Sa Marikina City naman, simula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw hanggang sa November 3, magpapatupad na ng one-way traffic sa A. Bonifacio Avenue at sa Sumulong Highway.
Bubuksan lamang ang A. Bonifacio Avenue sa mga sasakyan na patungong Shoe Avenue.
Kung galing ng Marikina at patungo ng Katipunan ay sa Marcos Highway na dadaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.