4.7 magnitude na aftershock tumama sa Tulunan, Cotabato
Sunud-sunod na pagyanig pa rin ang nararanasan sa Tulunan, Cotabato matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol doon noong Martes.
Alas 4:35 ng umaga ngayong Huwebes, (Oct. 31) naitala ang magnitude 4.7 na lindol.
Ang epicenter ng pagyanig ay sa layong 19 kilometers south east ng Tulunan.
9 kilometers lang ang lalim ng pagyanig.
Naitala ang Intensity IV sa Kidapawan City bunsod ng nasabing lindol.
Maliban dito, ilang may kalakasang pagyanig na ang naitala sa Tulunan mula kaninang madaling araw.
Kabilang ang magnitude 4.4 kaninang alas 12:35 ng madaling araw at magnitude 4.3 alas 2:23 ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.