Twitter magpapatupad ng ban sa lahat ng political advertising
Inanunsyo ni Twitter CEO Jack Dorsey Huwebes ng madaling-araw na ipapatupad sa kanilang social media site ang ban sa lahat ng political advertising.
Sa kanyang serye ng Tweets, sinabi ni Dorsey na ang political message ay dapat naaabot nang kusa ang tao at hindi binibili.
Bagama’t ang anunsyo ng ban ay ilang buwan na lang bago ang US elections, sinabi ng Twitter CEO na ipatutupad ito sa buong mundo.
Posible anya kasing ang pagbabayad para sa political ads ay maging dahilan para maipahayag ng mga pulitiko ang lahat ng kanilang gustong sabihin.
Maiiwasan anya sa ban ang misleading information.
Giit pa ni Dorsey, marami namang social movements ang nakaaabot sa mga mamamayan ng walang kahit anong political advertising.
Ang ban ay magsisimula na sa November 22 at ang kabuuang detalye ukol dito ay ilalabas sa November 15.
Hindi naman apektado ng ban ang mga advertisements ukol sa voter registration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.