SLPA magdadala ng pag-ulan sa Visayas at malaking bahagi ng Mindanao

By Rhommel Balasbas October 31, 2019 - 05:09 AM

Northeast monsoon pa rin ang umiiral sa extreme northern Luzon habang makaaapekto naman ang isang shallow low pressure area (SLPA) sa buong Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang SLPA sa layong 460 kilometro Silangan ng Davao City.

Magandang panahon ang mararanasan sa Luzon ngunit inaasahan pa rin ang mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.

Dahil naman sa SLPA, makararanas ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang buong Visayas, Northern Mindanao, Caraga at Davao Region.

Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas ng magandang panahon liban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Walang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa kaya’t malayang makakapaglayag ang mga mangingisda.

TAGS: amihan, Northeast monsoon, Pagasa, shallow low pressure area (SLPA), amihan, Northeast monsoon, Pagasa, shallow low pressure area (SLPA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.