DOH: Dengue cases sa bansa higit 360,000 na

By Rhommel Balasbas October 31, 2019 - 05:08 AM

Umabot na sa higit 360,000 ang bilang ng dengue cases sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa ulat ng DOH-Epidemiology Bureau araw ng Miyerkules, mula January 1 hanggang October 12 ay umabot na sa 360,646 ang kaso ng dengue sa bansa kung saan 1,373 ang nasawi.

Mas mataas ang bilang kumpara sa 172,416 na dengue cases sa kaparehong panahon noong 2018 at 887 lang ang nasawi.

Pinakamataas ang bilang ng dengue cases sa CALABARZON na may 60,614; sinundan ng Western Visayas na may 53,704 cases; National Capital Region, 30,205; Central Luzon, 29,208; at Northern Mindanao, 23,849.

Ayon sa DOH, ‘most-affected group’ ng dengue ay mga bata edad lima hanggang siyam na taong gulang na nagtala ng 81,633 na kaso ng sakit.

Lampas sa epidemic threshold ang mga sumusunod na rehiyon:
– CALABARZON
– Bicol Region
– Western Visayas
– Central Visayas
– Eastern Visayas
– Zamboanga Peninsula
– NCR
– at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Lampas naman sa alert level threshold ang Ilocos Region, Central Luzon at Northern Mindanao.

Magugunitang nagdeklara ang DOH ng national dengue epidemic noong Agosto dahil sa patuloy na paglobo ng sakit.

TAGS: Dengue, Department of Health, DOH-Epidemiology Bureau, national dengue epidemic, Dengue, Department of Health, DOH-Epidemiology Bureau, national dengue epidemic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.