Malacañang: Publiko ‘no choice’ muna sa traffic

Wala munang magagawa ang publiko sa ngayon ang publiko sa lumalalang trapiko sa Metro Manila ayon sa Palasyo ng Malacañang.

Sa briefing araw ng Miyerkules, snabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang pangakong mas mabilis na biyahe ay nakadepende sa pagkakumpleto ng infrastructure projects.

Magugunitang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na bago matapos ang taon ay bibilis ang daloy ng trapiko at ang biyahe sa Cubao hanggang Makati ay magiging limang minuto na lamang.

“Yung sinabi niya na ‘yun, on the assumption na ‘yung mga projects matatapos on time…That was said on the basis of projects being done on time, wala siyang binabawi,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, wala namang ‘choice’ ang mga commuters sa ngayon sa sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Ang pahayag ng Palasyo ay matapos hirangin sa ikalawang taon ng traffic navigation app na Waze ang Metro Manila bilang ‘worst place to drive in’.

Pero hindi naman makumpirma ni Panelo kung ang Maynila nga ang may pinakamalalang traffic condition sa buong mundo dahil kailangan muna anyang mapuntahan ang ibang bansa na nasa listahan para may basehan sa pagkumpara.

“Before you can say that you have to go to other countries that are listed to be worst traffic countries, so you can compare. Wala akong basis magsalita whether worst or not,” giit ni Panelo.

 

Read more...