Taylor Swift itinanghal na AMA’s “Artist of the Decade”
Nanalo bilang “Artist of the Decade” ang singer na si Taylor Swift sa American Music Awards.
Ayon sa AMA, nagkaroon ng limang nominasyon si Swift sa parangal ngayong taon.
Inanunsyo rin na magpe-perform ang singer sa AMA’s Live sa November 24.
Ayon sa AMA, mas marami ang panalo si Swift kumpara sa ibang artists sa kasalukuyang dekada.
Noong nakaraang taon ay naungusan ng singer si Whitney Houston sa pinakaraming awards sa mga female artists.
Ngayong taon ay nakatakda namang malampasan ni Swift si Michael Jackson sa pinakamaraming AMA awards for an artist.
Mayroong 24 na parangal ang King of Pop habang si Swift ay kasalukuyang mayroong 23 AMA awards.
Ilan sa mga pinasikat na kanta ni Swift ang “Love Story,” “Bad Blood,” “Look at what you made me do” at “Tears on my guitar.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.