Nangyari ang flagrant foul sa 7:46 mark ng fourth quarter kung saan tila nag-undercut si Nabong kay Newsome na bumagsak sa court.
Unang tinawagan ng flagrant foul penalty 1 si Nabong dahil sa peligroso nitong play pero nasundan ito ng technical foul dahil sa pakikipag-sagutan kay Bolts center Raymond Almazan.
Nagbabala naman si PBA commissioner Willie Marcial na mahaharap si Nabong sa mas mataas na multa na may suspensyon kapag muli itong napaaway.
Sa naturang laro ay nanalo ang Meralco kontra San Miguel sa score na 125-99, dahilan ng ikalawang sunod na talo ng Beermen.
MOST READ
LATEST STORIES