Lalaki patay sa pamamaril sa Caloocan

By Len Montaño October 31, 2019 - 04:35 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong barilin sa Brgy. 118 sa Caloocan City Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, binaril sa ulo ang biktima ng tumakas na suspect na nakaitim na damit at may suot na sombrero.

Sinabi naman ng lola ng biktima na nagpaalam ang kanyang apo na bibili lamang ito ng pagkain.

Kalaunan ay nakarinig ng apat na putok ng baril sa lugar at nakita na ang lalaki na patay matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Blangko ang pamilya ng lalaki sa motibo ng krimen dahil wala silang dahilan para ito ay patayin.

Pero aminado ang mga kaanak na minsan ay napapaaway ang biktima.

 

TAGS: caloocan city, dead-on-the-spot, lalaki, patay sa pamamaril, tama sa ulo, caloocan city, dead-on-the-spot, lalaki, patay sa pamamaril, tama sa ulo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.