DSWD Sec. Bautista bumisita sa quake victims sa Mindanao

Binisita ni Social Welfare and Development Sec. Rolando Bautista ang mga biktima ng lindol sa Mindanao araw ng Miyerkules.

Kabilang sa mga napuntahan ng kalihim ay ang Tulunan, North Cotabato at Koronadal City, South Cotabato.

Personal na pinamunuan ni Bautista ang pamimigay ng cash assistance at relief goods.

Ayon kay Bautista, pinakamalala ang pinsala ng lindol sa Brgy. Daig sa Tulunan.

Dalawampung residente sa nasabing baranggay ang binigyan ni Bautista ng cash assistance na nagkakahalaga ng P5,000.

Nabigyan din ng tulong-pinansyal ang pamilya ng namatay sa Koronadal at ang pamilya ng buntis na namatay sa Tulunan.

Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot sa 17,520 katao ang kabuuang bilang ng naapektuhan ng lindol sa North Cotabato.

Aabot sa 2,158 food packs na ang naipamigay ng kagawaran at 30 rolyo ng laminated sacks.

Tuloy-tuloy naman ang pagdating ng emergency relief supplies ng DSWD para sa mga naapektuhan ng lindol.

Bago maggabi lumapag sa General Santos ang C-130 military aircraft mula sa Maynila dala-dala ang 500 laminated sacks, 500 sleeping kits, 166 food packs at 50 units ng tents.

Read more...