outbrain

LOOK: Manny at Jinkee Pacquiao nakasama si South Korean star Ji Chang Wook

By Len Montaño October 31, 2019 - 04:11 AM
Manny Pacquiao photo

Ibinahagi ni Senator Manny Pacquiao ang mga larawan na kasama ang South Korean superstar na si Ji Chang Wook.

Hindi rin nagpahuli ang misis ni Pacquiao na si Jinkee at nag-post din ito ng litrato nila ng aktor na lumabas sa sikat na K-drama na “The K2” sa ABS-CBN.

Unang nagkita sina Jinkee at Ji noong nakaraang taon at ito ang nag-ayos ng pagdating ng coffee truck sa set ng susunod na K-drama series ng Korean star.

Sa post naman ni Ji ay makikita ang pagbisita ng pambansang kamao sa set ng “Melting Me Softly” gayundin ang pirmadong boxing gloves na ibinigay sa kanya ni Pacquiao.

Ang pamilya Pacquiao ay nagbabakasyon ngayon sa South Korea.

 

View this post on Instagram

 

Happy to see you again @jichangwook 🥰🤩🥰

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on Oct 30, 2019 at 5:26am PDT

 

View this post on Instagram

 

날녹여주오 현장에 놀러온 파퀴아오!! – Thanks🙏 @mannypacquiao

A post shared by 지창욱 (@jichangwook) on Oct 30, 2019 at 2:54am PDT

TAGS: boxing gloves, drama series, Ji Chang Wook, Jinkee Pacquiao, manny pacquiao, south korea, South Korean superstar, boxing gloves, drama series, Ji Chang Wook, Jinkee Pacquiao, manny pacquiao, south korea, South Korean superstar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.