Layon nitong ma-accommodate ang dagsa ng mga pasahero na pauwi sa mga lalawigan para sa paggunita ng Undas.
“We’re lifting conding only for provincial buses tomorrow (Oct.31)” ani MMDA General Manager Jojo Arturo Garcia.
Dahil naman sa inaasahang dagsa ng mga pabalik sa Metro Manila matapos gunitain ang Undas, sususpendihin ulit ang number coding scheme para sa provincial buses sa November 4.
Samantala, bukas, November 1, suspendido na ang number coding para sa lahat ng sasakyan.
Nauna nang sinabi ni MMDA chairman Danilo Lim na ngayong October 31, November 1 at November 4 ay ipatutupad ang ‘no-day off, no absent policy’ sa lahat ng traffic enforcers.
Nasa 2,300 MMDA personnel ang kasalukuyang ipinakakalat sa mga pangunahing lansangan, transport hubs at major cemeteries para umasiste sa mga motorista at pasahero.