Digos City isinailalim sa state of calamity dahil sa lindol
Idineklara ang state of calamity sa Digos City, Davao del Sur matapos ang magnitude 6.6 na lindol na yumanig sa Mindanao noong Martes.
Isang special session ang isinagawa ng Sangguniang Panlungsod araw ng Miyerkules at napagdesisyunang ideklara ang State of Calamity.
Dahil dito, magagamit na ng pamahalaang lokal ang kanilang emergency funds para sa pagtugon sa sakuna.
Bunsod ng deklarasyon ng state of calamity epektibo na rin ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Digos tulad ng bigas, gulay, karne, de lata at maging ng langis.
Dalawa sa pitong nasawi sa lindol ay mula sa Digos City.
Una nang nagdeklara ng state of calamity ang mga bayan ng Makilala, M’lang at Tulunan sa Cotabato; at Matanao, Bansalan at Magsaysay sa Davao del Sur matapos ang magnitude 6.3 na lindol noong October 16.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.