DOF iginiit ang dagdag buwis sa alak at sigarilyo
Nanindigan ang Department of Finance (DOF) na dapat suportahan ang panukalang dagdag buwis sa alak at sigarilyo.
Ayon sa DOF, ang excise tax increase sa alcohol at tobacco products ay isang hakbang para isulong ang aspeto ng kalusugan sa bansa.
Iginiit ni Finance Undersecretary Karl Chua na ang panukalang dagdag buwis ay isang health measure dahil ang makokolektang kita ay para sa pondo na ilalaan sa Universal Health Care (UHC) program na pakikinabangan ng lahat ng Pilipino.
Anuman anya ang malikom na pondo mula sa excise tax increase sa alak at sigarilyo ay mapupunta sa UHC.
Sa November 4 ay ipagpapatuloy ng Senado ng period of interpellations sa panukala ng ahensya na taasan ang buwis o ang tinatawag na sin tax.
Panahon na umano para isulong ang naturang hakbang para matiyak ang pangmatagalang pondo para sa implementasyon ng UHC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.