Sa isang statement Miyerkules ng hapon, ipinaabot ni Japanese Ambassador Koji Haneda ang pakikisimpatya sa mga biktima.
Ayon kay Haneda, dahil isang earthquake-prone country din ang Japan ay naiintindihan din nila ang hirap na dulot ng mga kalamidad.
“As an earthquake-prone country, Japan fully understands the hardship caused by such natural disasters. We stand in solidarity with the Government and the people of the Philippines,” ani Haneda.
Ang Pilipinas at Japan ay kapwa nasa Pacific Ring of Fire na palaging tinatamaan ng mga lindol at bagyo.
Sinabi ni Haneda na nakikiisa ang Japan sa pamahalaan at sa mga mamamayan ng Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES