Inako na ng Islamic State ang responsibilidad sa pag-atake sa Jakarta,Indonesia na ikinasawi ng pito katao at ikinasugat ng 20 iba pa.
Ayon sa grupo, tinarget ng kanilang mga sundalong kasapi ng caliphate ang ‘crusader alliance’ na lumalaban sa Islamic State sa Jakarta.
Tinukoy naman ng pinuno ng Jakarta police ang isang Bahrun Naim bilang responsible sa serye ng pag-atake sa Starbucks coffe shop at Sarinah’s na pinakamatandang mall sa Jakarta.
Samantala, kinumpirma naman ng Indonesian authorities na isang Canada national at isang Indonesian ang namatay sa serye ng pambobomba at pag-atake.
Kabilang naman sa mga nasugatan ang isang Algerian, Austrian, German at Dutchman.
Unang sinalakay ng armadong grupo ang Starbucks coffee shop malapit sa tanggapan ng United Nations sa central Jakarta.
Matapos ito sunud-sunod na ang pamamaril at pagsabog na kagagawan ng mga suicide bomber sa lugar na tumagal ng tatlong oras.
Hinala ng mga otoridad na nasa pagitan ng 10 hanggang 14 na suspek ang sangkot sa pag-atake.
Lima sa mga ito ang namatay matapos pasabugin ang kanilang sarili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.