SWS: 47% ng mga Filipino kontra sa paggamit ng trans women sa female toilets

By Rhommel Balasbas October 31, 2019 - 02:57 AM

Tutol ang mas maraming Filipino sa paggamit ng transgender women sa female toilets batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Sa SWS survey na isinagawa noong September 27 hanggang 30, 47 percent ng mga Filipino ang tutol sa paggamit ng trans women sa ladies toilets, 32 percent ang pabor at 8 percent ang undecided.

Pinakamalaki ang pagtutol mula sa mga na-survey na Muslim na nagtala ng 72 percent, mas ‘tolerant’ naman umano ang mga Katoliko na may 44 percent ayon kay SWS fellow and deputy director Vladymir Licudine.

Isinagawa ang survey higit isang buwan makaraang hindi pagamitin ng ladies’ toilet sa isang mall sa Cubao ang transgender woman na si Gretchen Diez.

Samantala, lumalabas din na 48 percent ng mga Pinoy ang tutol sa pagpapabago ng transgenders sa  kanilang pagkakakilanlan sa mga official documents tulad ng birth certificate at driver’s license habang 22 percent lang ang pabor.

Naniniwala naman ang 56 percent na hindi mental illness ang pagiging transgender habang 19 percent ang salungat dito.

Lumalabas din na 25 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang nagkakasala ang transgenders habang 36 percent ang kumbinsidong hindi.

Mayroong 1,800 respondents ang survey sa buong bansa.

 

TAGS: CR, female toilet, Gretchen Diez, kontra, paggamit, survey, SWS, transgender, transgender women, tutol, CR, female toilet, Gretchen Diez, kontra, paggamit, survey, SWS, transgender, transgender women, tutol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.