Limang araw na-naconfine ang lalaki sa San Lazaro Hospital.
Ayon kay Baliwag District Hospital head Dr. Lito Trinidad, unang dinala sa Bustos Community Hospital ang pasyente matapos makitaan ng sintomas ng meningo at inilipat sa Baliwag District Hospital noong October 23.
Sa mga sumunod na araw, inilipat ang pasyente sa San Lazaro kung saan batay umano sa lab tests, ay nahawan ito ng meningococcemia.
Ang meningococcemia ay isang respiratory infection na dulot ng Neisseria meningitidis bacteria.
Ayon kay Bulacan public health office head Dr. Joy Gomez, sinabi mismo sa mga kaanak na lalaki na namatay ito sa meningococcemia ngunit hinihintay pa nila ang kopya ng lab test results.
Iginiit naman ni Trinidad na hindi dapat maalarma ang mga residente ng mga bayan ng Baliwag at Bustos.
Sumailalim na rin sa disinfection ang mga ospital na pinagdalhan sa lalaki at hindi ginamit sa loob ng 48 oras.
Ilan sa sintomas ng pagkakaroon ng meningo ay mga pantal sa katawan, pananakit ng ulo, mataas na lagnat, pagsusuka at stiff neck.